Nation

P1-B PONDO IPINALALAAN SA STUDY NOW, PAY LATER PROGRAM

/ 4 August 2021

ISINUSULONG ni Paranaque City 2nd District Rep. Joy Myra Tambunting ang panukala para sa pagbuo ng Study Now, Pay Later Program.

Sa kanyang House Bill 9647 o ang proposed Study Now, Pay Later Act, iginiit ni Tambunting ang paglalaan ng P1 bilyong inisyal na pondo sa programa na daragdagan ng P100 milyon kada taon.

“As the pandemic continues to limit the operations and mobility of our business and labor sectors, not to mention its impact on soaring prices of commodities, thousands of families are at risk of withdrawing their children from school if appropriate government support is not rolled out immediately,” pahayag ni Tambunting sa kanyang explanatory note.

Alinsunod sa panukala, babalangkas ng Study Now, Pay Later Program sa ilalim ng superbisyon ng Department of Education, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Develeopment Authority.

Ang programa ay magkatuwang na ipatutupad ng Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines para sa disbursement ng loan.

Nakasaad din sa panukala ang pagkakaloob ng loan subsidy sa mga estudyante.

Ang loan ay maaaring bayaran ng estudyante sa sandaling magkaroon na ito ng trabaho.