P1-B KAILANGAN SA REPAIR NG CLASSROOMS NA WINASAK NG MGA BAGYO
KAKAILANGANIN ng Department of Education ng P1 bilyon para sa pagkukumpuni ng 788 silid-aralan na nawasak dahil sa pananalasa ng pinakahuling tatlong bagyo na ‘Nika’, ‘Ofel’, at ‘Pepito’.
KAKAILANGANIN ng Department of Education ng P1 bilyon para sa pagkukumpuni ng 788 silid-aralan na nawasak dahil sa pananalasa ng pinakahuling tatlong bagyo na ‘Nika’, ‘Ofel’, at ‘Pepito’.
Ayon kay DepEd Undersecretary Revsee Escobedo, 308 classrooms ang kailangang muling itayo habang ang 480 ay kailangan ng pagkumpuni.
“Umabot na po initially as to infra nang mahigit isang bilyon [pesos],” ayon kay Escobedo.
Dagdag pa ng Education official, nasa 4,427 school furniture at 31,319 learning resources ang apektado ng tatlong bagyo na tinawag na devastating trio habang 481 computer packages ang nawasak.
Ang serye ng bagyo ay nagdulot ng pagkaantala ng pag-aaral ng halos isang buwan o 38 araw ang nawala sa mga mag-aaral.
Nasa 1,177 schools naman ang ginamit bilang evacuation centers, ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara kaya inatasan ang mga guro na magsagawa ng alternative modes of teaching and learning, gaya ng Dynamic Learning Program.
Kapag iniwan na ng mga evacuee ang mga paaralang ginawang evacuation center ay magsasagawa ng make up classes.
“Kapag na-decamp na ang mga evacuee sa mga paaralan na ginawang evacuation center, magkakaroon tayo ng make up classes,” dagdag pa ni Escobedo.