Nation

OTHER FEES SA ELEMENTARY AT HIGH SCHOOL PINASASAGOT SA GOBYERNO

/ 12 September 2020

NAIS ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na sakupin ng subsidiya ng gobyerno ang iba pang school fees sa elementary at high school na nagsisilbing pabigat sa mga magulang ng mga estudyante.

Sa kanyang House Bill 1852, ipinaalala ni Rodriguez na mandato ng Estado na protektahan ang karapatan ng mamamayan para sa dekalidad na edukasyon sa lahat ng lebel at tiyaking accessible ito sa lahat.

Binigyang-diin ni Rodriguez na polisiya ng bansa ang pagbuo at pagmantina ng maayos na sistema para sa libreng public education sa elementary at high school levels.

Batay sa panukala, kabilang sa pinasasaklaw sa subsidiya ang membership fees sa Girl/Boy Scout of the Philippines, identification card fee, student organization fee at publication fee.

“The fees are still burdensome on the part of the students and the parents. Hence, this bill aims to really help alleviate the financial burden of the students and parents by declaring above fees free to be subsidized by the government,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang explanatory note.

Patuloy naman ang pag-aaral ng House Committee on Basic Education and Culture sa panukala.