Nation

OSPITAL SA BAWAT SUC NA MAY MEDICAL SCHOOL IPINATATAYO

/ 28 October 2020

UPANG mapalakas ang kapabilidad ng heath services sa bansa, isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagtatayo ng mga pagamutan sa state universities and colleges na may medical school.

Sa pagsusulong ng Senate Bill 1850 o ang proposed Healthcare Facility Augmentation Act, iginiit ni Angara na dahil sa Covid19 pandemic, mas nakita ang kahinaan ng bansa sa pagresolba sa public health emergencies, partikular ang kawalan ng health care institution at medical professionals, lalo na sa labas ng urban centers.

“It is clear that our healthcare system is already at a disadvantage even before this health crisis,” pahayag ni Angara sa kanyang explanatory  note.

Sinabi ni Angara na batay sa pag-aaral ng University of the Philippines, mayroon lamang tatlong doktor sa bawat 10,000 populasyon sa bansa na mababa sa rekomendasyon ng World Health Organization na 10 doktor sa bawat 10,000 tao.

“The data reported that six out of 10 Filipinos die without seeing a medical professional is not surprising, but is certainly alarming,” dagdag pa ng senador.

Sa kanyang panukala, magtatayo ng pagamutan na may bed capacity na hindi bababa sa 50 sa bawat SUC na may medical degree.

Mandato rin ng Department of Health, katuwang ng Commission on Higher Education at SUC, na magbigay ng technical assistance sa konstruksiyon ng pagamutan upang matiyak ang pagtalima nito sa standards ng kagawaran.

Gayunman, ang pamamahala at operasyon ng ospital, kabilang na ang pagkuha ng mga medical personnel ay nasa kamay ng SUC subalit kailangang may koordinasyon sa mga programa at polisiya ng DOH.

“The establishment of more hospitals will help prevent the high attrition rate of our very capable healthcare workers as there will be more hospitals to employ them,” dagdag pa ni Angara.