OSPITAL PARA SA TEACHERS, STUDENTS IPINATATAYO SA BAWAT REHIYON
UPANG matiyak na mapangangalagaan ang kalusugan ng mga guro at estudyante, iminungkahi ni Manila Teachers party-list Rep. Virgilio Lacson ang pagtatayo ng Philippine National Hospital For Teachers and Students sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Sa kanyang House Bill No. 7095, nais ni Lacson na magtayo ang pamahalaan ng regional PNHTS bilang primary medical facilities sa pangangailangang pangkalusugan ng mga guro at estudyante.
“The State should secure the health and safety of our teachers, as they do so for our students,” pahayag ni Lacson, chairman ng House Committee on Micro, Small and Medium Enterprise Development.
“In a time of pandemic, the need for quality education and grooming the next generation for their role in nation building is as ever important,” dagdag pa ng kongresista.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat PNHTS ay may bed capacity na 500 at daragdagan depende sa populasyon sa rehiyon.
“The bill manifests the State’s policy to prioritize the health, especially those who constantly toil and sacrifice to ensure our children are taken of and prepared for the future,” pagbibigay-diin pa ni Lacson.
Nakasaad din sa panukala na ang bawat regional PNHTS ay magsisilbi ring isolation at quarantine facility na may mga kagamitan para sa pagtugon sa anumang karamdaman kasama na ang highly contagious diseases.
Dapat ding tumugon ang bawat pasilidad sa international standards at guidelines o mga rekomendasyon ng World Health Organization.
Magkakaroon din ng seven-man Board of Trustees na itatalaga ng Pangulo ng bansa para pamahalaan ang PNHTS.
Sa ilalim pa ng panukala, maglalaan ng P20 bilyong paunang pondo para sa operation and maintenance ng mga pagamutan, isolation at quarantine facilities ng PNHTS, kabilang na ang pagbili ng mga lupa, konstruksyon ng gusali at pagbili ng mga equipment.