Nation

OPERASYON NG DEPED TV PINAG-AARALAN PA KUNG ITUTULOY

/ 27 December 2022

PINAG-AARALAN pa ng Department of Education kung itutuloy pa ang operasyon ang DepEd TV matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposed revolving fund para rito.

“Sa ngayon po, actually wala pa po tayong guidance on that whether matutuloy even before the veto message ng ating Pangulo,” wika ni DepEd spokesperson Michael Poa.

Ayon kay Poa, pag-uusapan pa ito ng executive committee ng kagawaran kung itutuloy pa ito.

“Wala pa po akong categorical answer kung itutuloy o hindi, that’s why sa ngayon po talaga kailangang pag-usapan,” ani Poa.

Mas prayoridad, aniya, sa ngayon ng kagawaran ang learning recovery upang makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa epekto ng pandemya.

“Ultimately ang magiging decision niyan is from the Vice President and Secretary of Education,” ani Poa.