Nation

ONLINE CLASSES SA PNP SCHOOLS PINAG-AARALAN

/ 18 March 2021

MAKARAANG aprubahan ni Philippine National Police Officer-In-Charge, Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pagpapatupad ng modified working arrangement kasama ang work from home sa mga non-uniform personnel sa Camp Crame, pinag-aaralan na rin kung ipagpapatuloy ang face-to-face classes sa mga yunit na kanilang sakop.

Kahapon, alinsunod sa patnubay ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, inatasan ni Eleazar ang mga pinuno sa bawat tanggapan sa National Headquarters na simulan ang working arrangement ng kanilang mga tauhan.

Gayunman, applicable lamang sa mga non-uniformed personnel sa Camp Crame ang work from home at sa uniformed official na nasa linya ng pagtuturo sa kanilang school and training institutions.

Kabilang sa kinokonsidera ang virtual o online classes para sa kanilang mandatory schooling and training.

“The same assessment is being conducted to come up with recommendations on whether there is a need to continue the existing face-to-face classes or to shift to the conduct of virtual or online classes for the mandatory schooling and training of our personnel,” bahagi ng statement ni Eleazar.

Ang PNP ang may administrative control sa PNP Academy, National Police College at National Police Training Institute.

Ang hakbang ay isinagawa ng PNP kasunod ng pagtaas ng kaso ng Covid19 sa kanilang organisasyon.