ONE TABLET, ONE STUDENT BILL MULING ISUSULONG SA BAGONG KONGRESO
TINIYAK ni incoming Senator Loren Legarda na isusulong niya sa 19th Congress ang panukala para sa pagbibigay ng tablet o gadget sa bawat estudyante para makatugon sa pangangailangan sa pagkatuto.
Ayon kay Legarda, pangunahing prayoridad niya ang paghahain ng ‘One Tablet, One Student’ bill upang makatulong sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon kasabay ng pag-ahon sa pandemya.
“Isa po sa una ang One Tablet, One Student Act’ na sana ay marami ang co-author dahil P80 billion ang kailangan para sa 26 milyong estudyante na magkaroon ng sariling gadget. Importante ito sa pag-ahon mula sa pandemya,” pahayag ni Legarda sa panayam ng DWIZ.
Binigyang-diin ni Legarda na napakahalagang maisulong ang mga programa at hakbangin upang matiyyak na maitutulak ang dekalidad na pag-aaral upang hindi mapag-iwanan ang mga kabataang Pilipino.
Bukod dito, nais din ng mambabatas na isulong ang pagreporma sa Philippine Employment Service Office o PESO law upang maibaba sa brangay level ang job matching.