ONE MILLION GADGETS NA IPINAMAHAGI NG DEPED FAKE NEWS?
UMANI ng batikos at pinagtawanan ang Department of Education nang sabihin ng isang opisyal nito na nakapamahagi na ang kagawaran ng mahigit isang milyong gadgets sa mga pampublikong paaralan.
Ito’y matapos na i-share ng Facebook page ng DepEd ang isang artikulo na lumabas sa Inquirer.net tungkol sa isang press briefing ng kagawaran na nagsasabing umabot na sa 93 porsytento ng mga pampublikong paaralan ang nabigyan ng mga kompyuter, laptop at tablet na gagamitin ng mga estudiyante para sa kanilang online classes.
“This accounts for 93 percent ng ating schools ay mayroon na tayong mga iba’t ibang computers, laptops, at tablets na magagamit ng ating mga kabataan,” wika ni DepEd Director for Information and Communications Technology Service Abraham Abanil.
“93%????????????? Weh?” “doon kami kabilang sa 7%,” “what 93%?patawa naman kau,” “Ha??? Fake news hahaha.. reality maglibot pra malaman totoo hahaha,” ang ilan sa mga sentimyentong ibinahagi ng ilang mga estudiyante at mga guro patungkol sa pahayag ng DepEd.
Sinabi rin ni Gab Humilde Villegas na kahit ang kanyang ina na guro sa pampublikong paaralan ay wala pang natatanggap na kahit ano mula sa DepEd.
“Nanay ko nga, walang natatanggap galing sa inyo, eh. Delayed pa sahod nila. Anuna???” hinagpis ni Villegas.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 3.8k “HAHA” reactions, 2.9K “Like”, at 1.2K “Wow” reactions ang pahayag ng DepEd.