Nation

OATH TAKING NG 2023 BAR EXAM PASSERS SA DISYEMBRE 22

/ 9 November 2023

ITINAKDA sa Disyembre 22, 2023 ang panunumpa at roll signing ng mga pumasa sa 2023 Bar examination sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ito ang inanunsiyo ng Supreme Court kung saan inihahanda na ang mga gagamitin sa nasabing oath taking and roll signing ceremonies.

Ang Bar exams ay isinagawa noong September 2023 kung saan 10,387 sa 10,791 applicants ang nakatapos sa tatlong araw na pagsusulit o 96.26 percent turnout.

Samantala, sinabi ng SC Public Information Office na walang pagtaas sa Bar admission fees ngayong taon.

Noong isang taon, ang admission fee ay tumaas sa P5,000 mula sa dating P3,750.

Ang Bar chair ay si Associate Justice Ramon Paul Hernando.