NOVEMBER BAR EXAMS IDARAOS SA 24 TESTING CENTERS
INAPRUBAHAN ng Supreme Court ang 24 educational institutions na magsisilbing local testing centers sa 2020-2021 Bar examinations sa Nobyembre.
INAPRUBAHAN ng Supreme Court ang 24 educational institutions na magsisilbing local testing centers sa 2020-2021 Bar examinations sa Nobyembre.
Sa Bar Bulletin No. 23, layon ng pagkakaroon ng mas maraming testing centers na matiyak na maiiwasan ang mahabang biyahe ng mga examinee, bukod pa sa pagtugon sa health guidelines kaugnay sa Covid19 pandemic.
Sa National Capital Region, inaprubahan ang Ateneo de Manila University Law School, 269 slots; Manila Adventist College, 450 slots; University of Makati, 1,000 slots; Far Eastern University, 600 slots; at University of Santo Tomas, 500 slots
Magsisilbi namang testing center sa Cordillera Administrative Region ang St. Louis University School of Law na may 1,035 slots, habang sa Region 1 ay ang St. Louis College, 1,280 slots.
Kasama rin sa testing centers ang Cagayan State University College of Law, Carig Campus, 421 slots at St. Mary’s University College of Law, 259 slots sa Region 2, at ang De La Salle University, 1,125 slots sa Region 4A.
Inaprubahan din ang City College of Calapan, 200 slots sa Region 4; University of Nueva Caceres, 1,000 slots sa Region 5; Central Philippine University, 475 slots; at University of St. La Salle, 1,340 slots sa Region 6; University of San Jose Recoletos, 600 slots; University of Cebu School of Law, 1,000 slots; University of San Carlos School of Law and Governance, 200 slots; at Silliman University College of Law, 1,000 slots sa Region 7.
Magsisilbi ring testing centers ang Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation, 400 slots, sa Region 8; Ateneo de Zamboanga University, 365 slots, sa Region 9; Xavier University – Ateneo de Cagayan College of Law, 240 slots; Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, 250 slots, sa Region 10; Ateneo de Davao University, 800 slots, sa Region 11; at Mindanao State University, 204 slots, Region 12.
Apat pang local testing centers, tatlo sa Metro Manila at isa sa Central Luzon, ang patuloy pang kinokonsidera.
Ang bawat bar applicant ay maaaring pumili ng kanilang local testing center sa pamamagitan ng Bar Personal Login Unified System.