‘NO FAIL’ POLICY UNFAIR — DEPED USEC
SINABI ng Department of Education na hindi makatarungan na ipasa ang lahat ng estudyante lalo na kung hindi nagpapakita ng interes na mag-aral sa gitna ng pandemya.
SINABI ng Department of Education na hindi makatarungan na ipasa ang lahat ng estudyante lalo na kung hindi nagpapakita ng interes na mag-aral sa gitna ng pandemya.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na ang mga dapat ipasa ay yaong mga nagsisikap mag-aral.
“Hindi naman puwedeng lahat ay papasa. ‘Yung talagang nagpapakita ng interes at ginagawa ang lahat pero nahihirapan ay bibigyan ng tulong at atensiyon ng mga guro,” sabi pa niya.
Dagdag pa niya, kailangang maunawaan ng mga mag-aaral na kailangan pa ring seryosohin ang pag-aaral sa kabila ng pandemyang nararanasan.
“Kailangang maunawaan ng mga bata na ang pag-aaral ay nangangailangan ng effort at sineseryoso kaya ang paniniwala namin ay kailangan ng marka, numerical pa rin ang grading.”
Iginiit pa niya na ang pagpapatupad ng ‘no fail‘ policy ay hindi makatutulong para maging responsable ang mga estudyante.