Nation

NO COLLATERAL, LOW-INTEREST LOAN SA MGA TESDA GRADUATE ISINUSULONG SA KAMARA

NANINIWALA si Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na marami sa mga graduate ng iba't ibang kurso sa Technical Education and Skills Development Authority at iba pang learning institutions ang hindi nabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibayong dagat o makapagnegosyo dahil sa problema sa pananalapi.

/ 16 November 2020

NANINIWALA si Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas na marami sa mga graduate ng iba’t ibang kurso sa Technical Education and Skills Development Authority at iba pang learning institutions ang hindi nabibigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibayong dagat o makapagnegosyo dahil sa problema sa pananalapi.

Dahil dito, isinusulong ni Vargas ang House Bill 2006 para sa pagpapatupad ng no collateral at low-interest loan para sa mga graduate ng TESDA at iba pang learning institutions.

Alinsunod sa panukala, ang mga holder ng national certificates na inisyu ng TESDA at ng iba pang accredited learning institutions ay maaaring makapag-avail ng special loans sa mga government at private banking financial institutions.

Ang loan ay maaaring gamitin bilang pambayad sa placement at travel fees sa mga nais maging overseas Filipino worker o kapital sa mga nais magnegosyo.

Nakasaad sa panukala na ang loan ay maaaring ibigay sa mga may approved contracts na isasalang sa balidasyon ng Philippine Overseas Employment Administration para sa mga nais maging OFW.

Sa mga nais namang magnegosyo, dapat magsumite ng viable start up project bago makapag-avail ng special loan.

Batay sa panukala, limitado sa P100,000 ang special loan na maaaring bayaran sa loob ng 10 taon.

“This amount shall be subjected to market-determined interest rates to provide lenders the leeway to set the cost of credit based on their assessment of the risks and profiles of their borrowers,” pahayag pa ni Vargas sa kanyang explanatory note.