NHS SA SULU PINAGAGAWANG TECHNICAL-VOCATIONAL SCHOOL
ISINUSULONG nina Kausug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan-Tambut at Sulu 1st District Rep. Samier Tan ang panukalang i-convert ang isang national high school sa kanilang lalawigan bilang technical-vocational school.
Sa kanilang House Bill 4476, nais ng mga kongresista na gawing National Technical-Vocational High School ang Maimbung National High School annex sa Barangay Laum, bayan ng Paimbung.
“The paramount objective of this bill is to offer technical and vocational subjects to equip all the students with technical knowledge that will somehow help them, especially those who cannot afford to pursue college courses, earn a decent living wage,” pahayag ng mga kongresista sa kanilang explanatory note.
Binigyang-diin ng mga mambabatas na sa pamamagitan ng technical-vocational secondary school ay mabibigyan ng oportunidad ang mga unemployed high school graduate para sa kanilang kinabukasan.
Batay sa panukala, isasama ng Department of Education sa kanilang regular na programa ang operasyon ng Maimbung National Technical Vocational High School.
Ang inisyal na pondo ay magmumula sa kasalukuyang budget ng Maimbung National High School Annex habang sa mga susunod na taon ay isasama na ito sa General Appropriations Act.
Inaatasan din ang kalihim ng DepEd na bumalangkas ng implementing rules and regulations para sa batas.