NEW ERA UNIVERSITY KABILANG SA LOCAL TESTING CENTERS PARA SA 2025 BAR EXAMINATIONS
KASAMA na ang New Era University sa mga local testing center para sa 2025 Bar examination na gaganapin sa Setyembre.
Kasabay ng selebrasyon ng ika-50 founding anniversary ng nasabing unibersidad ang makasaysayang paglagda sa partnership at terms and conditions sa Korte Suprema.
Isinagawa ang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng NEU at SC noong June 17 sa NEU Library sa Central Avenue, Quezon City.
Nanguna sa ceremonial signing sina SC Associate Justice Amy C. Lazaro Javier , chairperson ng 2025 Bar examinations, at Dr. Alberto R. Domingo jr., NEU President and Chairperson of the Board of Trustees .
Ang pormal na kasunduan ay una nang inanunsiyo ng public information office ng SC noong June 20.
Sa ngayon, ang SC ay mayroon nang 14 local testing centers para sa Bar exam sa buong bansa.
Pito ang local testing center sa Metro Manila, habang tanging ang NEU ang local testing center para sa 2025 Bar Examinations sa Quezon City.