Nation

NATIONAL MARITIME POLYTECHNIC PINAGAGAWANG EXTENSION CAMPUS NG PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY

/ 29 June 2021

ISINUSULONG ni Cagayan 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang panukalang i-convert ang National Maritime Polytechnic sa Tacloban, Leyte sa Philippine Merchant Marine Academy-Visayas Extension Campus.

Sa kanyang House Bill 6397, sinabi ni Rodriguez na ang PMMA ang tanging government maritime higher education institution para sa mga nais maging merchant marine officers.

Sinabi ni Rodriguez na batay sa datos, sa 1.6 milyong seafarers sa international labor market, 30 porsiyento ang mga Pinoy subalit nauungusan na ng China ang Filipinas bilang number one provider ng mga opisyal sa barko.

“The challenge now is how the Philippipnes can regain its position as the number one provider of merchant marine officers. It must be able to provide the shippings ector with highly qualified merchant marine officers,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang explanatory note.

Binigyang-diin ni Rodriguez na panahon nang palawigin ang ibinibigay na oportunidad ng PMMA sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng campus sa Visayas at maging sa Mindanao.

Batay sa panukala, ang National Maritime Polytechnic na itinatag alinsunod sa Presidential Decree 1369 ay iko-convert bilang PMMA Visayas Extension Campus.

Alinsunod sa House Bill 6397, maglalaan ng P500 milyon para sa conversion ng paaralan na gagamtiin sa pagbili ng mga equipment, furniture, fixtures at para sa personnel services.