Nation

NATIONAL LIBRARY OF UNITY AND PEACE IPINATATAYO SA LANAO DEL NORTE

/ 13 June 2021

ISINUSULONG nina Lanao del Norte Reps. Abdullah Dimaporo at Mohamad Kahlid Dimaporo ang panukala para sa pagtatayo ng National Library of Unity and Peace sa bayan ng Tubod.

Sa kanilang House Bill 9426, iginiit ng mga kongresista na ang Nationa Library of the Philippines ang mangangasiwa sa itatayong NLUP.

“The NLUP shall stand as a source of knowledge and shall empower individuals to develop reading habits,” pahayag ng mga kongresista sa kanilang explanatory note.

Ipinaliwanag ng mga mambabatas na layon ng NLUP na malinang ang kaalaman ng mga residente ng lalawigan sa pamamagitan ng intellectual, emotional at cultural growth.

“NLUP shall highlight significance in improving the good relations between the Muslims and Christians in the whole of Mindanao,” diin pa ng mga kongresista.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng plantilla position para sa lahat ng opisyal at empleyado ng Library na bubuin alinsunod sa organizational structure at staffing ng National Library of the Philippines.

Nakasaad din sa panukala na ang gastusin para sa operasyon ng NLUP ay magmumula sa taunang budget ng National Library of the Philippines.