NATIONAL HIGH SCHOOL IPINATATAYO SA ORMOC CITY
ISINUSULONG ni Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez ang panukala para sa pagtatayo ng isang national high school sa lungsod ng Ormoc.
Sa kanyang House Bill 947, nais ni Torres-Gomez na magkaroon ng national high school sa Barangay San Isidro na pangangalanan bilang San Isidro National High School.
Sa datos, ang Ormoc City Division ay may 83 elementary schools at 16 secondary schools.
“The 83 elementary schools serve a total of 31,286 pupils whereas the 16 secondary schools serve a total of 15,727 students,” pahayag ng kongresista sa kanyang explanatory note.
Ipinaliwanag ng mambabatas na sa dami ng mga estudyante, nagkakaroon na rin ng heavy congestion sa Ormoc City National High School o ang central secondary institution sa lungsod.
“The situation is no longer conducive to optimal learning. It is failing the adequacy test mentioned in the fundamental character. The overpopulation is now depriving students of their right to access quality education,” diin pa ng mambabatas.
Batay sa panukala, ang itatayong national high school ay may layong isa hanggang dalawang kilometro mula sa pinakamalapit na secondary school at malapit sa tatlo pang elementary schools.