NATIONAL FEEDING PROGRAM PALAWIGIN SA SECONDARY SCHOOLS — SENADOR
NAIS ni Senador Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara na palawigin ang saklaw ng National Feeding Program at sakupin ang Secondary Schools.
Sa kanyang Senate Bill 2310, isinusulong ni Angara ang pag-amyenda sa Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act.
Sa ilalim ng batas, binalangkas ang National Feeding Program para sa mga undernourished public school children sa day care centers kasama na rin ang mga kindergarten at Grade 6.
Sa datos ng Department of Education noong Pebrero 2021, nasa 3.5 milyong mag-aaral sa 33,000 public schools ang nakinabang sa School-Based Feeding Prorgam para sa School Year 2020-2021 na lumagpas sa target na 1.7 milyon.
Sinabi ni Angara na dahil sa Covid19 pandemic, maraming Pilipino ang naharap sa pagkagutom at food security issues kasama na ang student population.
Batay sa July 2020 National Mobile Survey ng Social Weather Station, 20.9 percent o 5.2 milyong Pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger dahil sa kawalan ng pagkain.
Sa panukala ni Angara, nais niyang saklawin ng National Feeding Program ang mga Junior at Senior High School learner.
“In our overarching goal to ensure the country’s survival, recovery, revitalization from the ongoing Covid19 pandemic, there is a need to send a strong message that the government is determined on making sure that investing in our human capital resources remains of tantamount importance,” pahayag ni Angara.