Nation

NATIONAL CERTIFICATION TEST NG SHS GRADS PINAPOPONDOHAN SA GOBYERNO

/ 26 April 2023

NAIS ni Senador Sherwin Gatchalian na ipasaklaw sa pondo ng Department of Education o ng Technical Education and Skills Development Authority ang gastos para sa national certification test ng Senior High School graduates.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education sa panukalang Batang Magaling Act, napuna ni Gatchalian na sa 486,000 Technical Vocational and Livelihood Strand graduates noong School Year 2021-2022, nasa 127,796 lamang ang kumuha ng pagsusulit o katumbas ng 25.7 percent.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa pamamagitan ng national certification ay maaari nang makapag-aplay ng trabaho ang isang senior high school graduate na naaayon sa kanyang pinag-aralang strand.

“Isa sa pinakamalaking problema tawag ko nga deadend para doon sa mga senior high schools natin dahil pagkatapos ng two years nila wala silang certification from TESDA. Sila pa mismo ang kukuha ng sarili nilang certification, maghahanap sila ng testing center, magbabayad sila ng sarili nila para ma-certify,” paliwanag ni Gatchalian.

Sa paunang tantya, posibleng kailanganin ng P300 milyong pondo para sa libreng pagsusulit ng mga senior high school graduate.

Ipinaliwanag ng senador na kakarampot lang ito kumpara sa malaking pondo ngayon ng TESDA at DepEd.

“It is an investment but it is a good investment because if you look at the passing rate, 97% ang passing rate, so why not spend that money to give them certificate,” pahayag ni Gatchalian.
Dahil dito, nakatakdang isulong ni Gatchalian sa susunod na budget deliberations na maisama ang national certification test sa popondohan ng mga ahensiya ng gobyerno.