Nation

NATIONAL ACADEMY FOR SPORTS SISIMULAN NA SA 2021

/ 27 September 2020

INIHAYAG ng Department of Education na sisimulan na nila sa susunod na taon ang pagtatayo ng mga karagdagang pasilidad,  pagbili ng mga kagamitan at pagha-hire ng mga guro at trainor para sa National Academy for Sports.

“So by next year kailangang umpisahan na ang mga activities related to academy in terms of infrastructure, special buildings, acquisition of tools and [hiring of] faculty,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.

“This is the brand new —the latest baby of the Department of Education —pero hindi lamang nag-iisa ang DepEd kasama natin dito ang Philippine Sports Commission, ang Department of the Interior and Local Government at lahat ng mga agencies na very involved sa sports,” sabi pa ni Briones.

Naniniwala ang kalihim na kahit may pandemya at kung ano-anong sakuna ay kailangang ipagpatuloy ang physical development ng mga bata.

“As sports is not only physical activity but it is also a science in itself. And it is also a field of specialization in itself, so abangan natin ang pag-uumpisa ng sports academy,” wika ni Briones.

“Pag-enhance ng sports kasi every year may sports activities. Kailangang ipagpatuloy ito at mag-focus tayo sa competitive sports na may malaki ang chance ng Philippines na talagang maka-develop at maka-compete regionally as well as globally,” dagdag pa niya.

Ang main campus ng sports academy ay ang New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac. Ang naturang campus ay nilagyan ng mga kinakailangang sports facilities, housing at iba pang amenities alinsunod sa kasalukuyang international standards.

Layunin ng programang ito na makahikayat pa lalo ng mga mag-aaral na kukuha ng sports track sa ilalim ng Senior High School program. Ang sinumang bata na sasailalim sa programang ito ay full scholar ng pamahalaan.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng oportunidad ang student-athletes na i-develop ang kanilang skills, talent at potential habang sila ay nag-aaral.