‘NANAY SCHOOL’ FRONTLINER NG DEPED SA LOOB NG BAHAY PARA SA MODULAR LEARNING
SINABI ng Department of Education na itinayo nila ang parents academy upang masiguro na matututo ang mga bata sa ilalim ng modular learning.
SINABI ng Department of Education na itinayo nila ang parents academy upang masiguro na matututo ang mga bata sa ilalim ng modular learning.
Sa ilalim ng modular learning, kaagapay ng mga guro ang mga magulang para turuan sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Naging malaking hamon para sa ilang mga magulang ang distance learning dahil marami sa kanila ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral o wala silang kakayahan para sila mismo ang magturo sa kanilang mga anak.
“Na-recognize namin iyan, halimbawa, two or three months ago ay nag-set up na tayo ng parents academy, halimbawa, sa Kalinga Apayao para sa mga parents doon. Pati po down to the urban centers, Valenzuela has a very advanced parents academy. Ang tawag nila doon ay Nanay School na noon pa, wala pang coronavirus ay mayroon na talaga silang programa para sa mga parents,” pahayag ni DepEd Sec. Leonor Briones.
“Isa itong feature ng ating bagong pamamaraan na lumawak ang papel ng mga magulang. Dahil ang mga bata spent in great deal of time at home at saka kailangan makatulong sila sa pag-monitor. So, may mga parent academies tayo na sini-set up at saka hindi lamang sa mga lugar na ito – may urban, may island, may city kung saan talaga tinuturuan ang parents,” dagdag pa ng kalihim.
Ayon kay Briones, may mga magulang na nag-undergo ng exposure at training.
“Iyong sa Sarangani naman, IP families. So,iyong mother, hindi talaga nakapag-aral at saka iyong bata ngayon… at makikita natin, it’s a very moving experience,” sabi ni Briones.
“Medyo mahirap pero we had time during the interregnum, iyong bokasyon natin at saka hanggang sa opening ngayon na na-approve ni Presidente, na-declare ni President Duterte na talagang ihanda ang lahat. Isa sa paghahanda iyong sa parents at saka yaya, kuya, ate, iyong mga kasamahan sa bahay,” dagdag pa ng kalihim.