Nadine Lustre, Curtismith, Ben&Ben mangunguna sa libreng mental health concert ng KonsultaMD
SAMAHAN sina Nadine Lustre, Curtismith, Ben&Ben at DJ Nix Damn P at DJ Marvelous sa isang gabi ng musika at kasiyahan para sa mental health handog ng KonsultaMD. Ang libreng concert ay mapapanood ng live sa Oktubre 9, 5:30 p.m., sa KonsultaMD official Facebook page.
Ang concert na ito ang pinaka-highlight ng isang buwang kampanya ng KonsultaMD na tinawag na “Be Kind To Your Mind.” Nais ng KonsultaMD na mas marami pang mga Pilipino ang makaalam ng kahalagahan ng kalusugan ng isip lalo na sa kasalukuyang panahon.
Malayo na rin ang narating ng Pilipinas pagdating sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mental health pero marami pa ring kailangang gawin para magkaroon ng maayos na pamantayan ng mental health services ang bansa, ayon kay Cholo Tagaysay, CEO ng KonsultaMD.
“Madalas na natatakot humingi ng propesyonal na tulong ang mga may mental health issue dahil na rin sa kahihiyan o sa stigma na ito ay isang kahinaan. Gusto naming ipakita na ang paghingi ng tulong ay isang uri ng lakas kaya patuloy kaming gumagawa ng paraan para magkaroon ng access sa mental health platforms at programa ang mga nangangailangan. Ang concert na ito ay isa sa mga paraan para maabot namin sila,” pahayag ni Tagaysay.
Ang mga celebrities na sina Nadine Lustre at Ben&Ben ay matagal na ring nagtataguyod ng mental health at wellness gamit ang kanilang sariling mga plataporma para hikayatin ang mga tao na alagaan ang kanilang sarili at makatulong sa iba.
Noong nakaraang Setyembre 12, nagkaisa ang KonsultaMD at dating beauty queen na si Kylie Versoza para sa event na pinamagatang “Mental Health Matters” na inilunsad ang Be Kind To Your Mindcampaign bilang suporta sa World Suicide Prevention Day. Nagkaroon pa ng iba’t-ibang mga aktibidad gaya ng libreng yoga classes, meditation, at sound healing.
Bukod doon, nagkaroon din ng mga usapan kung paano haharapin ang new normal, paano mapananatiling masigla ang mga relasyon sa panahon ng pandemya, at kung paano hihingi ng tulong kung kinakailangan. Kasama sa mga speaker sina Dr. Gia Sison, Thirsty and Thirty, Kara Gozali, Mark Agas, Maxene Magalona, Zara Carbonell, Dr. Kenjee Dee, Dr. Aubrey Señeris, at Kylie Versoza.
Ang mga Globe at TM customers ay maaaring makakuha din ng libreng isang buwan health plan mula sa KonsultaMD hanggang Oktubre 31. Kailangan lang i-download ang KonsultaMD app at gamitin ang voucher code na BEKINDTOYOURMIND para magamit ang promo.
Ang KonsultaMD ay isang 24/7 telehealth service provider na pinamamahalaan ng mga lisensyadong doktor na nagbibigay ng medikal na payo tungkol sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Ito ay isa sa mga kumpanya sa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa KonsultaMD, bisitahin ang https://konsulta.md.