Nation

MOTHER TOUNGE-BASED EDUCATION PROGRAM SUPORTADO NG HOUSE PANEL 

/ 16 October 2021

SUPORTADO ng House Committee on Basic Education, sa ilalim ng chairman nitong si Pasig City Rep. Roman Romulo, ang K to 12 Mother Tongue-based Multilingual Education program.

Sa pagdinig ng komite, iprinisinta ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 19 na dayalekto na ginagamit sa pagtuturo at resource materials.

Kabilang dito ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan, Pangasinan, Magindanawon, Meranaw at Bahasa sug.

Ang  KWF ay ang official regulating body ng Filipino language at official government institution na nakatutok sa pagbuo, pangangalaga at promosyon ng iba’t ibang dayalekto sa bansa.

Sa kanilang panig, ipinaliwanag ng Department of Education ang kanilang layunin, polisiya, operasyon at ang ginagamit na learning resource materials para sa MTB-MLE.

Tinukoy nito ang produksiyon at development ng contextualized learning resources at learning activity sheets para sa iba’t ibang dayalekto.

Tiniyak ng DepEd na patuloy ang kanilang kooperasyon sa KWF para sa pagbalangkas ng MTB-MLE learning materials na ipalilimbag sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia na dapat ay mayroon ding pakikipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts at National Book Development Board para sa implementasyon ng programa.