Nation

MODERN POLITICAL SYSTEMS IPINASASAMA SA HIGHER EDUCATION CURRICULUM

/ 30 December 2020

SA LAYUNING mapalalim ang kaalaman ng mga estudyante sa modernong politika sa bansa, isinusulong ni Calamba City Lone District Rep. Joaquin Chipeco Jr. ang panukala para sa pagsasama sa Modern Political Systems sa mandatory subject sa higher education.

Sa House Bill 2683 o ang proposed Modern Political Systems Studies Act, sinabi ni Chipeco na dapat nang imulat ang mga mamamayan sa iba’t iba sistemang pampolitika.

Isa sa naging batayan ng panukala ni Chipeco ay ang kaalaman na hindi pa handa ang taumbayan sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno kahit na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsusulong ng federal system of government.

“A mandatory subject in the higher education curriculum on Modern Political Systems that would focus on federalism and the parliamentary form of governance would be a first step in orienting our countrymen as to the mechanics of this political innovation,” pahayag ng kongresista sa kanyang explanatory note.

Alinsunod sa panukala, mandato ng Commission on Higher Education ang paghahanda at paggawa ng mga textbook at iba pang instructional materials para sa Modern Political Systems subject.

Nakasaad pa sa House Bill 2683 na kailangang matutukan ang pagtuturo hinggil sa federalism, parliamentary forms of government at iba pang aspeto ng modern governance.

“The subject Modern Political Systems shall be separate and distinct from all other existing courses on political science and public administration, and shall not in any manner be absorbed, merged with or subsumed under the latter,” diin ng kongresista.