MODERN, INNOVATIVE PNPA ASAHAN SA BAGONG LIDERATO
MIYEMBRO ng Philippine Military Academy Tanglaw-Diwa Class of 1992 ang bagong pinuno ng Philippine National Police Academy sa Camp Castaneda, Silang Cavite.
Nitong Sabado, Agosto 13, ay pormal nang isinalin ang pamumuno kay Police Brig. General Eric Noble, dating director ng Police Community Affairs and Development Group, ni dating PNPA Director Maj. Gen. Alexander Sampaga.
Nanguna naman sa turnover ceremony si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Chiquito Malayo.
Sa pag-upo ni Noble ay inaasahan ang modern and innovative leadership para sa akademya.
Bilang champion sa community relations, isang matatag at pang-world-class na akademya ang maaaring marating ng nasabing state academy sa pamumuno ni Noble.
Magpapatuloy rin ang mga programa ng mga nakalipas na director ng PNPA na ngayon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PNP.
Pinasalamatan naman ng PNPA si Sampaga at kinilala ang kanyang dedikasyon, passion at mahusay na pamumuno sa akademya.
Sa ngayon ay abala ang akademya para naman sa kukuha ng PNP Cadet Admissiion Test na hanggang Agosto 13 ay mayroon nang 3,403 verified applications na nakakumpleto.
Patuloy ang panawagan ng PNPA sa mga nais maging kadete at “Iskolar Para sa Bayan.”