Nation

MOA SA MEDICAL SCHOLARSHIP PROGRAM NILAGDAAN NG PASIG LGU, MERALCO

/ 3 March 2022

PUMASOK ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa isang memorandum of agreement sa Manila Electric Company para sa medical scholarship program.

Sa ilalim ng kasunduan, limang iskolar ng lungsod ang makakakuha ng limang taong full scholarship sa Ateneo School of Medicine and Public Health.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, makatatanggap ng financial assistance ang mga iskolar kasama na rito ang kanilang tuition at iba pang school fees, book allowance, pamasahe, at iba pa.

Samantala, nagsagawa naman ng virtual meeting ang Pasig City Council for Culture and the Arts para talakayin ang pinaplanong cultural mapping sa lungsod.

“Gagawin natin ito sa tulong ng mga Pasigueño historian. Ipinagpaliban ito noong 2020 at 2021 dahil sa Covid,” ani Sotto.

“By the way, naka-budget na rin ang pagbabalik ng PASKOTITAP ngayong Disyembre 2022. Ipagdasal nating paganda na talaga ng paganda ang sitwasyon sa covid para matuloy na ang lahat ng ito,” dagdag pa ng alkalde.