Nation

MGA TITSER PINABIBIGYAN NG SERVICE CREDIT

/ 30 April 2021

HINILING ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na pagkalooban ng service credit ang mga guro dahil sa kanilang sobra-sobrang araw na pagtatrabaho bunsod ng distance learning.

Bukod sa service credit, sinabi ni Castro na dapat ding bigyan ng 25 percent na overtime pay ang mga guro na nagtatrabaho ng lagpas sa 220 araw sa loob ng isang school year.

“We urge the DepEd to heed the demands of our teachers by granting them service credit and 25% overtime pay for each day that teachers are made to work beyond the lawful maximum 220 days, make concrete plans and policies of the safe reopening of schools, not just adjust the school calendar,” pahayag ni Castro.

Binigyang-diin ni Castro na tungkulin ng DepEd na pangalagaan ang karapatan ng bawat kabataan para sa edukasyon subalit kasabay nito ang proteksiyon sa mga karapatan, kalusugan at kapakanan ng mga public school teacher at education support personnel.

“DepEd’s education continuity plan is already taking a toll on the mental and physical health of our public school teachers,” paliwanag pa ng kongresista.

“Giving priority to the welfare of our teachers and education support personnel also shows how the government prioritizes education continuity and the youth’s right to quality education,” dagdag pa ng mambabatas.