Nation

MGA PAMBATANG E-BOOKS IBINIGAY NG CANVAS SA GLOBE eLIBRARY

/ 13 March 2021

MGA KUWENTO ng literatura at kultura na angkop sa kabataan ang mga e-books na ibinahagi ng Center for Art, New Ventures & Sustainable Development sa Globe eLibrary para matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral ng mga batang apektado ng pandemya.

Layunin ng Globe at ng CANVAS na maitaguyod ang pagbabasa ng mga bata, matuklasan nila ang pambansang pagkakakilanlan, at tulungan silang magkaroon ng pagpapahalaga sa sining, kultura at kalikasan ng Filipinas.

Kaya nakikipagtulungan ang dalawa para maparami ang mga lokal na pambatang electronic books sa Globe eLibrary na maaaring magamit ng mga mag-aaral at guro.

Nagbigay na ang CANVAS ng 13 e-books sa Globe eLibrary tulad ng Nadia and the Blue Stars ni Francesca Nicole Chan Torres at likhang sining ni Liv Vinluan, na tungkol sa pagmamahal ni Nadia sa mga bulaklak at sa kanyang pakikibaka na pangalagaan sila sa gitna ng digmaan; at Karapat-Dapat: Bata, Alamin ang Inyong mga Karapatan ng Ang Ink na sumisiyasat sa mga karapatan ng mga bata.

Ang iba pang mga pamagat ng eBooks ay ang Inang Kalikasan ni Recle Vibal, Aklatang Pusa ni Eugene  Evasco, Ang Batang Maraming Bawal ni Fernando Rosal Gonzales, Tahan na Tahanan niMaria Isabel Alarilla-Arellano, Message in the Sand ni Charmaine Aserappa, A Fish Tale and The Rocking Horse ni Becky Bravo, Si Pontang at ang Lihim ng Kuweba ni Melvin B. Atole, Mga MuntingPatak ng Ulan ni Jessica Olmedo, Si Lupito at ang Barrio Sirkero niRowald Almazar, at Ang Anghel ng Sta. Ana ni Josephine de Dios.

“Lubhang kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at guro ang access sa mas maraming mga resource materials. Ito ang dahilan kung bakitpalagi kaming naghahanap ng mga organisasyon na makakatulong para mas mapalawak pa ang nilalaman ng Globe eLibrary,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP para sa Corporate Communications.

“Mula sa isang binhi, isang buong kagubatan. Mula sa isang kuwento, isang henerasyonng mga mambabasa. Umaasa kami sa posibilidadna ang isa sa mga librong inilathala namin, ang isa sa mga likhangsining na ipinapakita namin, o isa sa mga ideya na ibinabahaginamin, ay mag-uudyok ng imahinasyon ng isang bata para baguhinang mundo sa ikabubuti nito,” sabi ni Gigo Alampay, tagapagtatagat executive director ng CANVAS.

Nagpaglathala na ang CANVAS ng mga librong pambata sapamamagitan ng Romeo Forbes Children’s Story Writing Competition at nagbibigay rin sila ng mga libro sa mga mahihirapna pamayanan sa pamamagitan ng One Million Books for One Million Filipino Children Campaign.

Samantala, ang Globe eLibrary ay isang website at mobile application na nagbibigay sa mga mag-aaral at guro ng libreng pag-access sa daan-daang pang-internasyonal at lokal na mga eBook at mga e-Learner video ukol sa iba’t ibang mga paksa.  Ang mga ito ay maaaring mabasa o mapanood online at i-download. Ito ay isa samga bahagi ng Global Filipino Schools, isang programa saedukasyon ng Globe na naglalayon na gawing sentro ng information and Communication Technology  at ng kahusayan samakabagong pamamaraan ng pagtuturo ang mga pampublikongpaaralan. Ang mga materyal na mahahanap sa Globe eLibrary ay libre para sa lahat ng Globe at TM customers.

Sa hakbangin na ito, binibigyang-diin ng Globe ang suporta para saUnited Nations Sustainable Development Goal no. 4 tungkol sa”Kalidad na Edukasyon.” Ang Globe ay kaisa ng UN sapagtatrabaho para sa inclusive, pantay at kalidad na edukasyon para sa lahat.

Para malaman ang higit pang mga bagay tungkol sa eLibrary, bisitahin ang https://globeelibrary.ph/