Nation

MGA NAGSUSPINDE NG F2F CLASSES NADAGDAGAN PA

/ 3 April 2024

NADAGDAGAN pa ang mga lokal na pamahalaan na nagsuspinde ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan nitong Martes dahil sa matinding init.

Ayon sa Department of Education, nagpatupad ang mga sumusunod na lugar ng alternatibong paraan sa halip na face-to-face classes.

*NCR*

1. Quezon City

*Region 1*

1. Dagupan City

*Region 5*

1. Polangui, Albay

*Region 6*

1. Iloilo City
2. Kabankalan City
3. Silay City
4. Himamaylan City
5. Bago City
6. Bacolod
7. Negros Occidental

*Region 8*

1. Maasin Central School, Maasin City

*Region 9*

1. Pagadian City Pilot School
2. Buenavista Integrated School (Zamboanga City)

*Region 12:*

1. Municipality of Banga
2. Municipality of Tantangan
3. General Santos
4. Polomolok, South Cotabato
5. Sultan Kudarat
6. Maasim (Saranggani)

Nauna nang sinabi ni DepEd deputy spokesperson Asec. Francis Bringas na maaaring magpatupad ng alternatibong paraan ang mga eskwelahan at lokal na pamahalaan kung matindi ang init.

Samantala, nag-abiso ang Navotas School Division ng adjusted class schedules para sa pampubikong paaralan.

Batay sa circular ng nasabing school division, maaaring pumasok ang mga bata hanggang alas-10 ng umaga at ang afternoon class ay mula alas-2 ng hapon hangang ala-6 ng gabi upang iwasan ang peak ng init na mula alas-11 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Pinaikli naman ng Muntinlupa School Division ang klase sa mga paaralan na nasasakupan at gaya sa Navotas, hanggang alas-10 ng umaga lang ang klase.

Nitong April 1, nagsunod-sunod na ang class suspension sa Western Visayas at sa isang lugar sa Mindanao makaraang sumampa ang damang init sa danger level na 41 degrees Celsius pataas.