MGA ISKUL SA PH KAPOS SA GUIDANCE COUNSELOR
INAMIN ng isang grupo na kapos sa guidance counselor ang mga paaralan sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Sheila Marie Hocson, national president ng Philippine Guidance and Counselling Association, sa kasalukuyan ay mayroon lamang 4,774 guidance counselors sa bansa.
Dahil sa kakaibang mentalidad ng kabataan na matagal na nakulong sa bahay dahil sa pandemya, dapat madagdagan ang guindance counselor sa mga paaralan.
Paliwanag ng eksperto, mahalaga ang guidance counselor dahil ito ang gumagabay sa buhay ng mga estudyante.
Sakali namang may guidance counselor sa isang eskwelahan, nagiging teacher na rin ito dahil sa mas mataas na sahod.
Sinabi ni Hocson na sa mga private school ay naibibigay ang tamang suweldo, sa public public school naman ay katumbas ng nagsisimulang guro ang suweldo.
Kaya naman umapela si Hocson sa gobyerno na madagdagan ang sahod ng mga guidance counselor at buksan ang mga mata ng publiko sa importansiya ng naturang mga professional.