Nation

MGA ISKUL SA F2F CLASSES DAGDAGAN — SOLON

/ 18 October 2021

PINADARAGDAGAN ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga eskwelahan na kasama sa pilot run ng face-to-face classes.

“‘Yung 59 na binabanggit ng DepEd kulang talaga ‘yun eh,” pahayag ni Castro.

Kamakailan ay inanunsiyo ng DepEd ang 59 paaralan na handa nang magbukas para sa in-person classes.

“Lalong-lalo na dun sa kinakailangan talaga ng gabay ng mga teachers,” dagdag ni Castro.

Kumpiyansa naman ang kongresista na magiging ligtas ito para sa mga estudyante basta siguraduhing masunod ang tamang ‘class size’.

“Halimbawa, alternate ‘yung pasok. ‘Yung mga bata hindi naman araw-araw papasok kasi limited time lang naman… So I think dapat na ring dagdagan,” aniya.

Dagdag pa niya, dapat ding dagdagan ang mga kursong papayagang magkaroon ng physical classes.