Nation

MGA ISKOLAR NG BAYAN OBLIGAHING TUMULONG SA BANSA — SOLON

/ 25 April 2023

PABOR si 2nd Congressional Education Commission Co-Chairperson Sherwin Gatchalian na magpatupad ng ‘return service’ sa mga estudyante ng State Universities and Colleges o ang mga tinatawag na iskolar ng bayan.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na bilang mga iskolar na pinaglalaanan ng pondo ng gobyerno, dapat lamang na maglaan din ng panahon ang mga estudyante ng SUCs upang tumulong sa pamahalaan.

“Ang punto ko lang naman eh dapat ma-recognize din ng ating mga mag-aaral na ‘yung return service ay para makatulong sa ating bansa dahil scholar sila ng ating bansa,” pahayag ni Gatchalian.

Gayunman, iginiit ng senador na dapat matiyak na hindi naman makakaabala sa paghahanap ng trabaho o sa mismong employment ng mga scholar ang tinatawag na return service.

Iminungkahi ni Gatchalian na maaari itong gawin habang nagpapatuloy pa ng pag-aaral ang mga estudyante tulad sa kanilang On The Job Training o sa practicum.

Binanggit pa ng mambabatas ang ipinatutupad sa lungsod ng Valenzuela kung saan ang mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela ay inoobligang magturong magbasa sa mga Grades 1 to 3 students ng dalawang oras sa loob ng isang linggo.

Kinumpirma ni Gatchalian na isa ito sa irerekomenda ng EDCOM para mas maiangat pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.