Nation

MGA INISYATIBO NG YOUTH LEADERS KINILALA NI BRIONES

/ 28 September 2020

IBINAHAGI ng dalawang youth leaders ang kani-kanilang mga hakbang para makatulong sa kanilang paaralan at komunidad sa ‘new normal’ set up.

Ayon sa pangulo ng Ilocos Sur Supreme Student Government (SSG) at papasok na mag-aaral ng Grade 12 na si Alliah Nicole Sayo, ang kanilang organisasyon ang nanguna sa ilang  donation drives,  kasama na ang Kahon ng Karunungan, isang proyekto na isinagawa upang makatulong sa edukasyon ng kanilang mga kapwa mag-aaral sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies at hygiene kits.

“We will also be uploading online tutorial videos for the students about certain topics in their lessons and also we will be sharing learning materials like e-books and PDF files that can help them in the distance learning for the school year 2020-2021,” pahayag ni Sayo.

Sa pamumuno ni Sayo, ang kanilang SSG ay nagsimula ng isang fund raising project para sa mga kutchero at tour guide kung saan namahagi sila ng  food packs sa 146 na kutcheros at 23 na tour guides sa kanilang probinsya.

Samantala, binigyang-diin ng pangulo ng San Pablo City Science Integrated High School SSG na si Anna Abigail Ticzon ang SciHigh on the Net upang lubos na magamit ang social media pages at para mas maging konektado sa mga kapwa mag-aaral kahit na hindi nagkikita nang personal dulot ng ‘new normal’ set up.

“With SciHigh on the Net, the Supreme Student Government of San Pablo City Science Integrated High School will stand up and prove that no pandemic shall hinder us in giving inclusive, empowering, and compassionate service,” pagbibigay-diin ni Ticzon.

“Institutions have a responsibility to provide inclusive quality learning while students have a role to learn. And with us being the student leaders, we are assigned to help in connecting these two ends and make it as one. To my fellow youth and organization officers, I am counting on you,” dagdag nito.

Pinapurihan naman ni Education Secretary Leonor Briones ang mga hakbang na isinagawa ng iba’t ibang mag-aaral at parent-teacher associations upang matiyak na ang edukasyon ay makararating sa mga mag-aaral.

“As we approach the opening of the school year on October 5, paganda nang paganda ang balita. 14 days na lamang ang natitira. Para tayong nagbibilang para sa Pasko. Ang ganda naman ng mga balita na naririnig natin at sini-share sa inyo na kasama sa pag-prepare sa opening ng achool year 2020-2021,” dagdag ni Briones.