Nation

MGA GURO SA SCUs MAY P10K INCENTIVE

/ 22 December 2020

KABILANG ang mga guro sa state universities and colleges sa makatatanggap ng P10,000 incentive ngayong taon.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte na igawad ang service recognition incentive para sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Alinsunod ito sa Administrative Order No. 37 na nilagdaan ng Pangulo noong Disyembre 18 na nagbibigay ng one-time SRI sa mga kuwalipikadong government employee na hindi lalagpas sa P10,000 kada personnel.

Bukod sa mga guro, mabibiyaan  din ang  mga  civilian staff ng SCUs, maging sila ay regular, contractual o nasa casual status.

Bukod sa mga guro, sakop din ng SRI grant ang mga nagtatrabaho sa national government agencies, government-owned or -controlled corporations, mga sundalo at civilian employee ng Armed Forces of the Philippines gayundin sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government, Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice, Philippine Coast Guard  sa ilalim ng Department of Transportation, at sa National Mapping and Resource Information Authority sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources.

Paglilinaw naman ng kautusan na ang kuwalipikadong makakuha ng buong SRI ay nakapagsilbi ng mahigit apat na buwan sa pamahalaan habang ang kulang sa apat na buwan  ay pro-rated.