MGA GURO SA PARAÑAQUE MAY LIBRENG LEARNING GADGETS
NAMAHAGI ng learning tablets, laptops at wifi ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Pormal na tinanggap ni School Division Superintendent Evangeline Ladines mula kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang mga gadget para sa mga guro at internet connectivity para sa mga eskwelahan sa Parañaque. Ginanap ito sa Jaime Ferrer Hall sa Schools Division Parañaque noong ika-11 ng Disyembre.
Ang proyektong ito na ginastusan ng Local School Board, kasama sina Mayor Olivarez bilang chairperson at SDS Ladines bilang co-chairperson, ay bilang suporta sa mga mag-aaral at mga guro sa distance at blended learning
Siniguro naman ng alkalde na patuloy ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan at ang pagkakaloob ng budget para makapagbigay ng isang gadget per household at 1:1 ratio na laptops para naman sa mga guro.
“At the end of the tunnel there is light. After a shower of rain, a rainbow is seen,” pahayag ni SDS Ladines.
Nagpaabot din ng pasasalamat sina Dr. Gerry Catchillar ng Parañaque National High School at Dr. Teresita Rodriguez ng Sto. Nino Elementary School sa lokal na pamahalaan para sa mga ibinahaging gadgets at wifi, at para sa pagsuporta sa pagsulong ng maayos na edukasyon.