MGA GURO MAGTUTURO, HINDI MAGTUTUROK — SEC. BRIONES
BINIGYANG-DIIN na sinanay sila para magturo at hindi magturok ng bakuna, sinabi ni Department of Education Secretary Leonor Briones na ang mga public school teacher ay tutulong sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa vaccination drive ng pamahalaan.

“Dini-deny namin iyong perception na ang mga teacher ay sila mismo ang mag-vaccinate ng ating mga kabataan or your fellow teachers dahil may Covid o wala, anong klaseng sakit o wala, very strict ang protocol sa medicine na kung hindi ka trained medical personnel, hindi ka naman talagang isasabak sa mga medical procedure,” pahayag ni Briones.
“Ang malaking kontribusyon ng mga teacher ay iyong pagpalaganap ng impormasyon hinggil sa vaccine. But even for that, kailangan silang i-brief nang husto, nang maayos nang malaman nila talaga kung ano ang benefits o ang protection na maibigay ng vaccine sa mga teacher,” sabi ng DepEd chief.
“Teachers are trained to teach, not to administer vaccines,” dagdag pa ni Briones.
Nilinaw rin niya na hindi lahat ng paaralan ay gagawing vaccination centers.
“Kailangang iplano iyan nang maayos kasi mayroon tayong schools na malaki ang clinic, mayroon namang schools na maliit lang, isang kuwarto lang ang clinic. So, depende iyan sa sitwasyon ng eskuwelahan,” sabi ng kalihim.
“Willing tayo tumulong, but ang interest natin is to protect the children, teachers, and staff.”