MGA GURO HINDI LIGTAS SA RED-TAGGING — LAWMAKER
HARAPANG kinontra ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang pagtanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana hinggil sa red-tagging sa legitimate dissenters.
Sa 2021 budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa pondo ng Department of National Defense, tinanong Castro si Lorenzana kaugnay sa red-tagging activies na nagreresulta sa harassment, pagbabanta at maging kamatayan.
“The Department of National Defense spewing lies after saying they do not red-tag legitimate dissenters. Jory Porquia, Carlito Badion, Randall Echanis, Zara Alvarez, to name a few were all red-tagged and received threats against their lives before they were killed. They are human rights defenders echoing legitimate calls of their sectors and the people,” pahayag ni Castro.
“Teachers have not been spared from the threats and harassment that came after the red-tagging of individual leaders and members of progressive organizations that are legitimate dissenters of this administration,” dagdag pa ng kongresista.
Tinukiy ni Castro sina Teacher Zhaydee at Teacher Ramil Cabanales na nakasama sa red-tagging at nakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.
“Many other teacher-union leaders have been victims of red-tagging and harassment by the state,” paliwanag pa ng lady solon.
Muling iginiit ng mambabatas na sa halip na gamitin ang pondo sa militarisasyon at red-tagging sa mga aktibista, makabubuting ilaan ito sa mga hakbangin para sa ligtas at dekalidad na edukasyon at sa pagkakaroon ng sapat na health facilities.
Binalaan din ni Castro ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang panukala na i-regulate ang social media dahil paglabag ito sa people’s freedom of expression and speech.
“Sa panahon ngayon na ang mamamayan ang naghihirap dulot ng kapabayaan ng gobyerno sa pandemiya, hindi katanggap-tanggap na patuloy ang mga atake laban sa mga aktibista at mamamayang matapang na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan,” diin pa ni Castro.
“Hindi rin katanggap-tanggap na lalong tinataasan ang pondo para sa DND na walang ginawa kundi okupahan ang mga komunidad, manakot, at pumatay ng mga lider at organisador ng mamamayan dahil sa mga red-tagging na kanila ring ginagawa kaysa sa pondo para sa kalusugan at edukasyon. Hindi natin hahayaan na magpatuloy ang red-tagging, ang mga pananakot at pandarahas ng gobyernong ito lalo na’t gamit nila ang pondo ng taumbayan,” dagdag pa ng mambabatas.