MGA GURO BINALAAN VS ATM ‘SANGLA SCHEME’
NABABAHALA ang isang kongresista sa dumaraming guro at iba pang empleyado na ginagamit ang kanilang ATM payroll cards bilang collateral sa loans.
NABABAHALA ang isang kongresista sa dumaraming guro at iba pang empleyado na ginagamit ang kanilang ATM payroll cards bilang collateral sa loans.
Ayon kay Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson, may posibilidad na magamit ang ATM payroll cards sa identity theft at makuha ang personal data ng may-ari para sa unlawful activities.
Dahil dito, isinusulong ni Lacson ang House Bill 7966 o ang proposed Anti-ATM Pawning Scheme Act of 2020.
“Over the course of many months, we have seen unsettling news about how money lenders take advantage of borrowers by requiring them to surrender their ATM payroll cards or their government benefits cash card as collateral for loans,” pahayag ni Lacson sa kanyang explanatory note.
Binanggit din ni Lacson ang ipinalabas na memorandum ni Education Secretary Leonor Briones na pinaalalahanan ang mga empleyado ng DepEd na huwag gamitin ang kanilang ATM payroll cards bilang collateral sa loans.
“It was reported that countess of our beloved teachers are forced to surrender their ATMs to money lenders as collateral,” dagdag ni Lacson.
Binigyang-diin pa ng kongresista na ginagawa rin ng mga benepisyaryo ng 4Ps ang ganitong sistema.
Sa kanyang panukala, magpapatupad ng mga polisiya laban sa unauthorized claiming ng sahod o iba pang benepisyo ng isang tao.
Ang sinumang money lender na mahuhulihan ng lima o higit pang ATM cards o cash cards ay maaaring maharap sa pagkabilanggo na mula anim na buwan hanggang isang taon at multang hindi bababa sa P100,000.