Nation

MGA GURO AALALAYAN NG KWF SA PAGTUTURO; PAGBABASA PAUUNLARIN

/ 2 May 2021

BUBUHUSAN ng reading materials ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga guro sa buong bansa upang maging epektibo ang kanilang pagtuturo sa  kultura ng pagbabasa at pagsusulat.

Naniniwala ang KWF na makikinabang ang mga learner sa kanilang hakbang dahil ang mayamang kultura sa pagbabasa at pagsusulat ay isang mahalagang bahagi ng kaalaman.

Sinabi ni KWF senior language researcher Roy Rene Cagalingan, ang nangangasiwa sa “Onlayn Talakayan sa mga Babasahin sa Kulturang Filipino” project, na sinimulan na nilang gabayan ang mga guro para mahikayat ang mga mag-aaral na mapahusay ang reading and writing skills gamit ang reading materials mula sa komisyon.

Dagdag pa ni Cagalingan na may sariling Aklat ng Bayan ang KWF na nagtataglay ng collection of publications kasama na ang iba’t ibang salin ng literary works ng mga bayani ng Filipinas na kagigiliwan ng mga mag-aaral.

“We want such reading culture to spread,” ayon kay Cagalingan.

Ang “Onlayn Talakayan sa mga Babasahin sa Kulturang Filipino” ay isang proyekto ng KWF na naglalayong isulong, panatilihin at paunlarin ang kultura at wikang Filipino.