MGA ESTUDYANTE, GOV’T WORKERS NAKIISA SA EARTHQUAKE DRILL
KINUMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority na kabilang ang mga mag-aaral sa mga lumahok sa 2025 First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon.
Isinagawa ang drill alas-3 ng hapon sa magkakaibang establisimiyento.
Bukod sa libo-libong government workers at mga estudyante, maraming trabahador mula sa private offices ang nakiisa rin sa drill.
Layunin nitong mapalawak ang public awareness sa kinakailangang paghahanda sa pagtama ng lindol at iba pang sakuna.
Tiniyak naman ng MMDA at Office of Civil Defense na may sapat silang paghahanda at kagamitan laban sa mainit na panahon.
May mga itinalagang silungan ang mga kalahok sa drill at mayroon ding nakaalertong first aiders para sa mga posibleng makaramdam ng hindi magandang kondisyon sa panahon ng aktibidad.