Nation

MGA ESTUDYANTE BIGYAN NG ‘ARMAS’ SA KALAMIDAD — SENADOR

/ 7 November 2020

UPANG tuluyang mabago ang pag-uugali ng mga Pinoy na ‘reactionary than anticipatory’ sa usapin ng mga kalamidad, nais ni Senador Lito Lapid na isama sa curriculum ng primary at secondary schools ang disaster awareness and disaster mitigation.

Sa pagsusulong ng Senate Bill 1140, sinabi ni Lapid na sa scientific paper na National Conference on National Disaster Mitigation, lumitaw na mahina ang Filipinas sa proactive planning sa mga kalamidad.

“Ironically, the Philippines is perhaps one of the most disaster-prone countries in the world. Its archipelago is prone to earthquakes, volcanic eruptions, typhoons, tsunami, floods and droughts because of its geologic and geographical conditions,” paalala ni Lapid sa kanyang explanatory note.

Sinabi pa ng senador na kada taon ay nas mahigit 20 bagyo ang pumapasok sa Filipinas dala ang malalakas na hangin, storm surge at pagbaha na nakapipinsala sa mga ari-arian at buhay ng marami.

Batay sa panukala, isasama sa curriculum ang usapin hinggil sa natural at man-mande disasters upang magkaroon ng disaster awareness ang mga estudyante.

Bukod dito, mahihimok ang mga kabataan, estudyante at ang buong komunidad na makiisa sa disaster preparedness para na rin sa kapakinabangan ng sambayanan.