Nation

MGA BATA PINATUTURUANG MAGING DISIPLINADO SA KALSADA

/ 23 August 2021

DAHIL sa tumitinding trapik sa bansa, isinusulong ni Parañaque 1st District Rep. Eric Olivarez ang panukala para sa Proper Road Use Education sa elementarya.

Sa kanyang House Bill 9811 o ang proposed Proper Road Use Education Act of 2021, sinabi ni Olivarez na mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga bata at maiwasan ang anumang aksidente dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman.

“As traffic on our roads become heavier and increasingly busy, it is importnat to inculcate in children during their formative years the importance of proper road use,” pahayag ni Olivarez sa kanyang explanatory note.

Alinsunod sa panukala, lahat ng elementary schools ay may mandato na isama sa kanilang curriculum ang subject sa tamang paggamit ng kalsada, partikular ang kaligtasan ng mga pasahero, safe driving at pag-unawa sa traffic signages.

Inaatasan sa panukala ang Department of Education at Land Transportation Offce na bumalangkas ng tamang mga polisiya sa pagpapatupad nito.

“In addition in the curriculum, wil be able to inculcate in the Filipino youth extraordinary discipline that they will be able to carry as they flourish and face day-to-day challenges,” dagdag pa ni Olivarez.