MGA ANAK NG PINOY CAREGIVER NA PINALAYA NG HAMAS BIBIGYAN NG SCHOLARSHIP
TUTUSTUSAN ng Overseas Workers Welfare Administration ang pag-aaral ng mga anak ni Jimmy Pacheco, ang Pinoy caregiver na dinukot at pinakawalan ng Hamas militant group sa Gaza Strip sa Israel.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, pinoproseso ng kanilang tanggapan ang mga benepisyo ng pamilya ni Pacheco, kabilang ang scholarship ng kanyang mga anak, at ang isang business assistance para sa kanyang asawa.
Sinabi naman ni Department of Migrant Workers Officer in Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na tutulong din ang kanilang tanggapan sa pagpoproseso ng mga dokumento sakaling bumalik ulit si Pacheco bilang OFW.
Si Pacheco ay kasama sa halos 300 dinukot ng militante noong October 7.
Nang ideklara ang ceasefire noong November 24 ay kasama rin si Pacheco sa pinalaya.