Nation

MENTAL HEALTH WELLNESS LEAVE SA SCHOOL PERSONNEL ISINUSULONG

/ 25 April 2021

ITINUTULAK ni Makati 1st District Rep. Romulo ‘Kid’ Pena Jr. ang panukala para sa pagbibigay ng mental health wellness leave sa lahat ng empleyado, partikular sa mga paaralan.

Sa House Bill 4620 o ang proposed Mental Health Leave and Awareness Act, nais ni Pena na ipasok ang mental health awareness sa school curriculum.

Batay sa survey na isinagawa ng Department of Health, sa 327 government employees sa Metro Manila, 32 porsiyento ang nakaranas ng mental healt problems.

Sa kabataan, madalas ang depresyon, anxiety at mood disorders.

“Seeing these alarming statistics, it is with utmost urgency that the government should address the problem of mental health,” pahayag ni Pena sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, limang araw ang ibibigay na mental health wellness leave sa lahat ng empleyado sa kondisyong makikiisa ang mga ito sa mental health wellness activities.

Isasama rin sa curriculum ng lahat ng paaralan at educational institutions, pribado man o pampubliko, ang mental health awareness.

Oobligahan din ang lahat ng public at private schools, gayundin ang educational institutions, na mag-empleyo ng in-house certified guidance counselor o allied professional na sinanay sa mental health awareness lectures, programs, activities at counseling services sa mga estudyante.