Nation

MENTAL HEALTH CURRICULUM PALALAKASIN NG DEPED

/ 31 August 2020

SINABI ngayon ng Department of Education na kanilang palalakasin ang mental health curriculum alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging handa ang mga mag-aaral at guro sa pagharap sa hamon ng sakuna maging ng kasalukuyang pandemya.

“Sinasabi ni Presidente (Rodrigo Duterte) na gagawa ang DepEd para ma-enhance ang mental health, ang psycho-social preparedness ng ating mga learnersat teachers dahil nga sa epekto nitong napaka-dangerous at devastating na pandemic,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones sa lingguhang virtual press briefing.

Ayon kay Briones, sa mga nakalipas na buwan ay nagsagawa ang Kagawaran ng mga webinar at upscaling sa mga guro upang matutunan nila kung paano tumugon sa pandemya at sakuna.

“We have also engaged the services of professionals kasi itong situation na ito at present is more challenging than the usual everyday rigors of holding classes and so on and so forth,” sabi ni Briones.

“So we have been having these positions for several months now at saka dati kasi ang focus ng ating attention, of course, as far as I am concerned, is the learners ‘yung ang una lalo na kung mayroon tayong sakuna, mayroon eathquake at saka ngayon nandito si Covid19 ay ang mga bata kasi kailangan i-build up ‘yung kanilang positive to deal with to accept change,” dagdag pa ng DepEd chief.

Paliwanag pa ng ahensiya, kakailanganin nila ang tulong ng mga mental health professional dahil kulang na kulang ang mga guidance counselor sa mga public school.

“So, this time we are putting also additional emphasis on the upscaling of teachers themselves. Not only the teachers ang binigyan natin ng ganitong klase ng upscaling but also our policy makers and program coordinators,” wika ni Briones.

“Usually kung may lindol sa kanilang lugar, sa kanila lang ‘yung upscaling, sa kanila lang ‘yung pag-include o pag-enhance ng skills, nila pero ngayon pangkalahatan na kaya napakalaking program ito,”  dagdag pa nya.