Nation

MEDICAL SCHOLARSHIP BILL PRAYORIDAD SA SENADO

/ 28 July 2020

TARGET ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na tuluyan nang maisabatas ang kanyang panukala hinggil sa medical scholarship sa pagpasok ng 2nd regular session ng 18th Congress.

Ayon kay Sotto, numero uno sa kanyang priority list ang panukalang Medical Scholarship Act na namarkahang Senate Bill No. 1, na sumalang na sa plenary deliberations bago pa mag-adjourn ang Kongreso noong nakaraang Hunyo.

Nakasaad sa panukala ng senador na obligado ang medical scholars na magsilbi muna sa bansa sa loob ng limang taon bago payagang makapagtrabaho sa ibayong dagat.

Dalawa sa limang taon na ito ay dapat iukol sa government hospitals o anomang tanggapan kung saan nakatira ang scholar.

Binigyang-diin ng lider ng Senado na napatunayan sa Covid19 pandemic ang kakulangan sa healthcare system dahil na rin umano sa kakapusan ng bilang ng health professionals.

Bukod sa Medical Scholarship Bill, kasama rin sa top 5 list ni Sotto ang Presidential Drug Enforcement Authority Act, Hybrid Election Act, Anti-False Content Act at ang 14th Month Pay law.

“I will move for speedy but comprehensive committee and plenary discussions on these five priority measures which I believe can make a huge impact on the lives of the Filipino people. The variety in the objectives of these measures would hopefully bring about needed reforms in governance, which at this time are essential to tip the scale in favor of public welfare over political, corporate or personal interests,” pahayag ng senador.