Nation

MAY F2F CLASSES MAN O WALA, MGA GURO DAPAT BIGYAN NG HEALTH SUPPORT – SOLON

/ 1 December 2020

NANINDIGAN si Senador Sherwin Gatchalian na kailangan ng suportang pangkalusugan para sa mga guro, may face-to-face classes man o wala.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga guro ay mga frontliner na nangangailangan ng suporta ng gobyerno.

“‘Yung mga teachers natin should continuously be supported with health support. Whether may face-to-face or wala. Because the teachers are the frontliners, eh,” pahayag ni Gatchalian.

Nilinaw rin ni Gatchalian na ang inirerekomenda niya ay ang pagsasagawa ng localized at limitadong face-to-face classes at hindi ‘full opening’ ng mga paaralan.

“I’m not pushing for full opening of classes, we have to do it localized and we do it limited. In fact, some of the LGUs ang request nila workshop lang. eh. They’re not requesting five days a week. They are requesting for one day in a week, or may be a few hours in a day,” dagdag ni Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na ang mahalaga ay magkaroon ang mga estudyante ng engagement sa mga guro at mga kaklase dahil sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng pagkatuto.

“Ang aking appeal is to number one, is look for innovations, solutions to engage students. Number two, look for best practices, ang dami kong nakita sa iba’t-ibang bansa,” dagdag pa niya.