MathRELAX TAYO INILUNSAD SA PASIG
INILUNSAD kamakailan nina Pasig City Mayor Vico Sotto at Congressman Roman Romulo ang MathRelax Tayo, ang ETUlay online tutorial program summer camp ng Department of Education.
“Isang magandang programa, lalo na’t bawal pa ang mga face-to-face summer camps,” sabi ni Sotto.
Ayon kay Sotto, 18 guro sa lungsod ang magtuturo o magtu-tutor sa programang ito
“Naikuwento rin namin ni Cong. Roman ang mga paghahanda natin para sa susunod na school year,” ayon pa kay Sotto.
Nakahanda na, aniya, ang mga programang pang-edukasyon ng lokal na pamahalaan para sa darating na pasukan katulad ng Malusog na Batang Pasigueño (1 nutrition foodpack per student per month), tablets at laptops, at iba pang school supplies, scholarships para sa mga guro, repair at construction ng mga school building, at improvement sa Alternative Learning System program.
“Pinagpawisan lang kami ni Cong. Roman nung pina-solve na sa amin ‘yung fractions,” pagbibiro ng alklade.
“Para sa mga kabataang gustong maging produktibo habang bakasyon, subaybayan natin ang Etulay!” pagtatapos niya.