Nation

MATHEMATICAL BIOLOGY GAMIT SA PAGTAYA SA BAGONG COVID19 CASES

/ 12 January 2022

IPINALIWANAG ni Prof. Jomar Rabajante  ng UP-Covid19 Response na nakabase sa University of the Philippines Los Banos na ang ginamit nila sa pagtaya sa mataas na kaso ng Covid19 ay Mathematical Biology.

Ayon kay Rabajante, ang nasabing pamamaraan ay matagal nang ginagamit sa mundo ng statistics.

“We used Mathematical biology, we are working before pandemya,” pahayag ni Rabajante sa isang panayam.

Bahagi ng pamamaraan ng pagtataya ay ang tingnan ang peak ng kaso habang nakaapekto rin ang detection ng Omicron variant sa bansa.

Hindi rin, aniya, masasabi na ang 40,000 ay magic number dahil maaaring higit pa sa 100,000 ang daily average ng bagong kaso.

Pagdidiin ni Rabajante, limitado ang testing facility sa bansa at kung ano lang ang na-test ay iyon lang ang numero at hindi kagaya sa ibang bansa na maraming testing kit at laboratories.

Karamihan, aniya, sa na-test sa Pilipinas ay sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan lamang habang sa mga malalayong probinsya ay nagsisimula pa lamang.

Dagdag pa niya, hindi naman dapat ipagtaka kung pagdudahan ang bilang dahil depende ito sa laboratoryo at available na test kits.

Upang maging sakto ang bilang ng may sakit, panawagan ng gobyerno sa publiko na magpa-test kapag may sintomas.